Posts

From Police to Politics to Sports Beat

Sa loob ng halos siyam na taon, nagalugad ko na ang lahat ng presinto sa Metro Manila, nakasalamuha ko na ang iba't ibang pulis, mula sa P01 hangang sa heneral .. . Nakadaupang palad ko na rin ang ilang politiko, mula sa mayor hangang sa presidente . . Pero malapit sa aking puso ang Sports . . Ngayon medyo nangangapa pa ako sa beat na ito . . pero unti unti ko na itong nagugustuhan . . malayong malayo sa mga dati kong coverage na puro patay, kriminal, pulis, aksidente at droga ang aking nakikita  . . mamimiss ko ang pagcocover ng mga police stories . . pero narito na ang panibagong hamon . . panibagong kapaligiran . . panibagong pakikisama . . Sana maging matagumpay ako sa larangang ito ..  bukas ako sa mga opinyon at puna para mas mapabuti pa ang aking pagbabalita